Inireklamo ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Senate Committee on Ethics si Senador Antonio Trillanes.
Sa kaniyang inihaing reklamo, sinabi ni Faeldon na ginagamit ni Trillanes ang senado at ang pasilidad nito sa kaniyang mga pahayag na ang layunin lamang ay makapanira.
Ayon kay Faeldon dapat lamang masuspindi o kaya ay mapatalsik sa senado si Trillanes dahil sa kaniyang unethical, unparliamentary at improper conduct bilang isang senador.
Sinabi ni Faeldon na kung hindi kayang patunayan ni Trillanes ang kaniyang mga alegasyon dapat ay manahimik na ito at humingi ng paumanhin sa kaniya at sa sambayanang Pilipino.
Ang reklamo sa Ethics Committee ay personal na inihain ni Faeldon na dalawang linggo na ring nakakulong ngayon sa senado.