Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson ang tinagurian niyang ‘Doble Kara – Doble Tara System’ sa BOC o Bureau of Customs.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ipinakita ni Lacson ang listahan ng mga kargamento na pinalusot sa green lane matapos magbigay ng ‘tara’ pero naisyuhan pa rin ng special stop order.
Ayon kay Lacson, isang Mike Saban na consultant sa tanggapan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang laging nagre – request ng special stop order na inaaprubahan naman ni Faeldon.
Lumabas sa pagdinig na bilang technical consultant, hindi otorisado si Mike Saban na mag – request ng special stop order para sa isang kargamento.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
Kasong ‘Economic Sabotage’ vs Faeldon kasado na
Kasado na sa Huwebes ang kasong Economic Sabotage na isasampa ni Senador Panfilo Lacson laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Lacson, kaugnay ito sa pagpayag ni Faeldon na I – release ang mga smuggled rice noong nakaraang taon.
Samantala, binuweltahan ni Lacson si Faeldon sa pagtawag ng ‘BS’ o ‘bullshit’ sa mga alegasyon laban sa kaniya.
Tinuya ni Lacson si Faeldon sa naging pahayag nito na matindi ang kaniyang obsession na mapakulong ang dating Customs Commissioner at patunayang sangkot ito sa katiwalian.