Kumpiyansa ang AFP o Armed Forces of the Philippines na hindi na aabot pa ng isang buwan ay tuluyan nang matatapos ang giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at grupong Maute – ISIS sa Marawi City.
Ibinalita ni Major General Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command, na may panibagong apat na bihag ang nailigtas ng militar mula sa kamay ng mga terorista.
Ani Galvez, naka-tutok ang kanilang operasyon ngayon sa pag – rescue sa 45 hanggang 50 natitira pang bihag ng mga Maute.
Dagdag pa ni Galvez, mahihirapan nang makatakas ang mga terorista dahil bantay – sarado na ng militar ang mga maaaring magusan palabas ng main battle area.