Mahigpit na itinanggi ni Dean Nilo Divina ng UST College of Civil Law na batid niya ang nangyaring hazing kay Freshman Law Student Horacio Castillo the Third.
Sa katunayan ipinabatid ni Divina sa kaniyang pagharap sa committee hearing na hindi recognize o kinikilala ang Aegis Juris Fraternity ngayong taon.
Binigyang diin pa ni Divina na kinukundena at hindi pinapayagan ng UST ang anumang uri ng hazing na malinaw sa kanilang manual.
Kaya’t kahit may notice aniya ang nasabing fraternity ay talagang hindi nila ito papayagan.
Si UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina sa kaniyang pagharap sa Senate hearing hinggil sa pagkamatay ni Horacio Castillo the Third.
Ulat ni Cely Bueno
SMW: RPE