Hindi umano dapat bigyan ng kahit konting halaga at pansin ng publiko ang iniharap na kaso sa Office of the Ombudsman ng Volunteers Against crime And Corruption laban kay Senador Risa Hontiveros.
Ito, ayon kay Hontiveros, ay dahil sa isa lamang itong desperadong hakbang para mailihis ang atensyon ng publiko mula sa nadiskubreng palitan ng text message ng isang taga-VACC at ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung saan pinamamadali na ng kalihim sa V.A.C.C. ang pagpafile ng kaso laban sa kanya.
Ang iniharap na kaso anya laban sa kanya ay kumpirmasyon sa conspiracy o sabwatan ng V.A.C.C. at ni Aguirre para sa inaapurang kaso laban sa kanya.
Napatunayan din na ang ka-text ng kalihim na isang “Cong Jing” ay si dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.
Iginiit ng Senador na hindi siya magpapa-apekto sa naturang kaso at patuloy ang kanyang pagsusulong o kampanya para sa katarungan at panawagang magbitiw sa puwesto si Secretary Aguirre.
Ulat ni Cely Bueno
SMW: RPE