Dumistansya ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa mga kasong isinampa sa Ombudsman laban kay Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, sariling inisyatibo ng tatlong abogado ang pagsasampa ng kaso.
Sinabi ni Jimenez na tumutulong ng libre ang tatlong mga abogado sa mga kasong hawak ng VACC subalit sa pagkakataong ito ay walang naging papel ang VACC.
Una nang kinasuhan ni dating Congressman Jacinto Paras si Hontiveros ng paglabag sa Anti-Wiretapping Law dahil sa pagsasapubliko ng larawan ng text messages ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kinasuhan rin si Hontiveros ng kidnapping at obstruction of justice dahil sa pagkuha sa kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa pagpatay kay Kian Delos Santos.
—-