Patay ang dating hepe ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa Central Luzon at kanyang anak matapos silang tambangan sa labas ng isang sabungan sa Mariveles, Bataan.
Kinilala ang mga biktima na sina Retired Police Superintendent Napoleon Cauayan, at ang anak nitong si Napoleon.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, papasok na sana ang mag-ama sa compound nang bigla silang pagbabarilin ng hindi bababa sa tatlong salarin.
Agad na nasawi ang mga biktima habang nakatakas naman ang mga salarin.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa nangyaring pamamaril.