Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) kung bakit hindi kasama ang Special Action Force (SAF 44) sa mga pinarangalan ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon sa anibersaryo ng Pambansang Pulisya.
Paliwanag ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor, hindi pa tapos ang ginagawang deliberasyon kung sinu-sino sa SAF 44 ang karapat-dapat bigyan ng medal of valor.
Ang medalyang ito ang pinakamataas na pagkilala sa natatanging miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces Philippine (AFP).
Ayon kay Mayor, isinaalang-alang nila na mabigyan ng karampatang pagkilala ang lahat ng SAF 44 ngunit hindi pa kumpleto sa ngayon ang ginagawang ebalwasyon ng kumite na nakatutok dito, dahilan upang hindi makasama sa programa kahapon.
By Avee Devierte | Jonathan Andal