Dapat ng patalsikin sa mga paaralan ang mga miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing.
Ito ang iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP-Episcopal Commission on Mission Chairman, Balanga Bishop Arturo Bastes sa gitna ng kinasasangkutang kaso ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas.
Ayon kay Bastes, sinisira ng hazing initiation ang tunay na layunin ng mga fraternity na kapatiran.
Gayunman, mas nakadidismaya anya na pawang estudyante ng isang catholic school na U.S.T. ang sangkot sa hazing na ikinasawi ng kapwa mag-aaral na si Horacio Castillo the Third.
Sa kabila nito, kinukundena ni Bastes ang pagkamatay ni Castillo sa kamay ng mga inakala niyang kapatid at nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
SMW: RPE