Wala pang opisyal na deklarasyon ng non-working days o holidays sa Metro Manila para sa 31st ASEAN Summit at mga kaugnay nitong aktibidad sa Nobyembre.
Ito ang nilinaw ng Palasyo matapos kumalat sa social media ang ulat na “Special Non-Working Holiday” ang November 13 hanggang 15 dahil sa ASEAN Summit.
Ang Pilipinas ang ASEAN Chair ngayong taon at sa Pilipinas isasagawa ang iba pang aktibidad na may kaugnayan dito.
Isasagawa sa Nobyembre ang ASEAN Summit at related summits kasama ang mga dialogue partner gaya ng Australia, Canada, China, Japan at European Union.
SMW: RPE