Nanindigan ang Malacañang na walang mali o iregularidad sa ginawang pagtatakip sa ilang impormasyon sa SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth ng mga miyembro ng gabinete.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella makaraang kuwestyunin sa Senado ang pagtatakip sa ilang detalye sa SALN ng mga cabinet officials dahil labag umano ito sa transparency provisions ng konstitusyon.
Sinabi ni Abella na kanilang inaabangan ang ilalabas na panuntunan ng National Privacy Commission para asyusin at malinawan sa usapin ng redaction sa SALN ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito, sinabi ni Abella na handa naman ang Palasyo na paharapin ang mga miyembro ng gabinete sa ikakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa usapin.
—-