Ilang sibilyan sa Kabul Afghanistan ang sinasabing tinamaan ng airstrike ng Estados Unidos laban sa mga terorista sa lungsod.
Ang nasabing airstrike ay tulong umano ng Estados Unidos sa Afghan military matapos atakehin ng mga pinaniniwalang miyembro ng Taliban at Islamic State ang Kabul airport kasabay ng pagbisita ni US Defense Secreatry Jim Mattis sa nasabing bansa.
Ilang sibilyan nang umatake sa Kabul International Airport kaya tumulong na ang US Forces subali’t nagkaroon ng depekto ang isa sa kanilang missile dahilan kaya tumama sa ilang mga sibilyan.
Wala naman naibigay na detalye kaugnay sa eksaktong bilang ng mga nasawi at nasugatang sibilyan.
—-