Nakatakdang i-relieve sa puwesto ang nasa 90 porsyento ng opisyal ng Bureau of Customs o BOC matapos masangkot sa korapsyon ang ahensya.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kanyang tatanggalin sa puwesto ang mga head sa bawat unit sa lahat ng ports dahil sila aniya ang responsable sa kanilang hawak na hanay.
Paliwanag pa ni Lapeña, ito ay upang bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umiiral na “tara system” sa Aduana.
Ani Lapeña, posibleng simulan na niya sa susunod na linggo ang pag-relieve sa puwesto ng mga nasabing opisyal.
Nauna rito, nahaharap ang BOC sa kontrobersya kaugnay sa pagkakalusot ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu shipment mula sa China at ang patuloy umano na pag-iral ng payola o ‘tara’ system sa ahensya.
—-