Kailangan pa ng malalim na pag – aaral kung ipapatupad ang panukalang tatlong digit number coding ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Celine Pialago, spokesperson ng MMDA o Metro Manila Development Authority, maraming dapat isaalang – alang sa panukalang ito.
Aminado si Pialago na sa kasalukuyan ay napakarami pa ring sasakyan ang nakakalusot sa umiiral na number coding.
Hindi po tayo pwedeng mag – decide d’un as one agency kung igo – go po natin o hindi, kailangan po kahit ‘ber’ months lang ang pinag – uusapan kailangan pong makuha natin ‘yung ‘go signal’ ng Metro Manila Mayors.
Marami pong nakakalusot kaya po ‘yung volume ng mga nahuhuli natin iba ‘yung volume na gusto nating maalis sa EDSA para lumuwag o magdadagdag tayo ng bagong numbers, so, ‘yung 600 na average namin per day magiging one – two (1,200).
‘Yung one – two po ba ‘yung kailangan para maalis ‘yung bigat ng volume sa EDSA.
Maraming dapat pag – aralan.
House Minority bloc sa three – digit number coding
Muling isinusulong ng House Minority bloc ang pagpapatupad ng three – digit number coding para mapaluwag ang trapiko ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, layon nitong mabawasan ng tatlumpung porsyento (30%) ang mga sasakyan sa kalsada kada araw.
Hindi rin aniya ito ipatutupad ng pangmatagalan kundi mula lamang buwan ng Nobyembre hanggang ikalawang linggo ng Enero sa susunod na taon.
Bagama’t umani na ito ng batikos noong una itong ipinanukala, naniniwala si Suarez na ito na ang panahon para mamili ang mga motorista kung sila ay magsasakripisyo o araw – araw na magreklamo dahil sa matinding trapiko.