Mananatiling stable hanggang sa katapusan ng taon ang presyo ng bigas.
Sinabi ni National Food Administration (NFA) Administrator Renen Dalisay, ito ay dahil sapat lamang sa pangangailangan ng bansa ang iniangkat ng pamahalaan at ng ilang pribadong sektor.
Ayon kay Dalisay, ang government to government importation ay umabot sa 750,000 metric tons, habang ang sa private sector ay nasa 187,000 metric tons.
Sa ngayon, ang kanila nalang aniyang binabantayan ay ang posibilidad ng pagtindi pa ng El Niño phenomenon.
“Nasa mga 1.6 to 1.7 po ang kakulangan talaga kung isasama pa po natin ‘yung buffer stocking na kailangan ng NFA, siniguro lang po natin ito na ito lang po talaga ang aangkatin natin, itatama natin yung kailangan natin dahil po doon hindi po gumagalaw ang presyo dahil sufficient at adequate po ang suplay natin.” Pahayag ni Dalisay.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc