Muling bibisita sa Pilipinas ang Korean singer-actor at tinaguriang King of K-Pop na si Rain.
Makalipas ang pitong taon ay nakatakdang muling pasayahin ng singer ang kanyang Pinoy fans sa isang concert sa Araneta Coliseum ngayong November 3.
Ilang local artists din ang makakasama ni Rain sa event, ilan na rito sina Jay-R, Sam Concepcion, Kris Lawrence, at Dasuri Choi.
Taong 2010 nang kunan sa Pilipinas ang Korean TV series na “The Fugitive: Plan B” na pinagbibidahan ni Rain kasama sina Daniel Henney at Lee Na Young.
Naging bahagi na rin siya ng ilang sikat na Korean dramas at international films.
Sa ngayon ay naghahanda naman si Rain para sa bagong album na ilalabas ngayong Nobyembre.
—-