Niyanig ng 4.7 na lindol ang Sulu kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 43 kilometro katimugang bahagi ng karagatang sakop ng Pangutaran.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 14 na kilometro kada oras.
Samantala, tumama din kaninang madaling araw ang magnitude 3.0 naman na lindol sa Batuan, Masbate.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang mga paglindol.
—-