Mayorya o 63 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang napapatay pa rin ang mga drug suspects sa kabila ng pagsuko ng mga ito.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan tatlumpung (30) porsyento ang kumbinsidong kumbinsidong may mga ganoong insidente.
Sa naturang survey, 17 prysento ang undecided, 11 porsyento ang bahagyang tumututol habang 9 porsyento ang matindi ang pagtutol na may mga napapatay pa rin sa mga susmusukong sangkot sa iligal na droga.
Samantala, 17 porsyento din ng mga respondents ang nagsabing may kakilala silang ‘tinokhang’ ng mga pulis ngunit hindi naman tunay na mga drug pusher.
—-