Tinawag ng Malakanyang na ‘peke’ ang mga dokumento na hawak ni Senador Antonio Trillanes hinggil sa bilyong piso umanong bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagtanggi ng AMLC o Anti-Money Laundering Council na ang mga dokumentong isinapubliko ng Ombudsman ay galing sa kanila.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nangangahulugan na peke rin o hindi totoo ang sinabi ni Deputy Ombudsman Arthur Carandang na mayroon siyang tinanggap na mga dokumento mula sa AMLC.
Dahil dito ay kapwa naging bahagi pa sina Trillanes at Carandang sa pagpapakalat ng maling balita at impormasyon o fake news.
Gayunman, ipinunto ni Panelo na kahit pa sabihing totoo ang mga nailantad na dokumento sa taumbayan ay mali pa rin dahil paglabag ang pagsasapubliko nito sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standard of Public Employees and Official.