Nanindigan si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na itutuloy nila ang imbestigasyon hinggil sa tago umanong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pamilya nito.
Ito’y kahit pa nagbanta si Pangulong Duterte isang komisyon ang kanyang itatatag upang imbestigahan ang mga anomalya umano sa Office of the Ombudsman.
Gayunman, hindi natinag si Morales at iginiit na hindi sila papa-apekto sa pananakot ng Pangulo sa gitna ng pagbusisi sa mga bank account nito.
Si Morales ay tiyahin ng manugang ni Pangulong Duterte na si Atty. Manases Carpio, asawa ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Inday-Sara Duterte.
Ulat ni Jill Resontoc