Binabraso umano ng Liberal Party (LP) ang mga kongresista para suportahan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
Ayon kay dating Partido ng Manggagawa Partylist Representative Renato Magtubo, sinasabing may inihahanda nang kaso laban sa mga mambabatas para mapilitang pumabor kay Roxas.
Dahil dito, hinimok ni Magtubo ang mga dati niyang kasamahan sa Kongreso na huwag magpadala sa pressure at sa halip ay isipin ang kabutihan at interes ng sambayanan.
Pagpapatalsik din kay TESDA Chief sa senatorial lineup?
Samantala, nais umano ng ilang miyembro ng Liberal Party na mapatalsik sa kanilang senatorial slate si TESDA Dir. Gen. Joel Villanueva.
Ayon kay Villanueva, sinasabing malapit ang mga ito kay Interior Secretary Mar Roxas at posibleng may kinalaman sa pagkakasama niya sa third batch ng mga kinasuhan kaugnay ng pork barrel scam.
Giit ng TESDA Chief, hinihinalang selos ang motibo ng ilang miyembro ng Liberal Party kaya’t gusto ng mga ito na kumalas siya sa panig ng administrasyon.
By Jelbert Perdez