Kumpirmadong bibisita si US President Donald Trump sa Pilipinas sa Nobyembre bilang bahagi ng kanyang 12-day trip sa limang bansa sa Asya.
Ayon sa White House, bibiyahe si Trump simula sa Nobyembre 3 hanggang 14 sa Japan, South Korea, China, Vietnam at Pilipinas.
Inaasahang makikibahagi ang US leader sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Pilipinas na dadaluhan din ng leader ng mga partner nation ng ASEAN.
Kabilang sa mga tatalakayin ang kalakalan at North Korean nuclear threat.
—-