Ipaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman na hindi makikipagtulungan sa ikakasang imbestigasyon sa sinasabing anomalya sa naturang tanggapan.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa sandaling hindi sumipot ang mga opisyal ng Ombudsman sa isasagawang imbestigasyon ng itatatag niyang komisyon ay ipaaaresto niya ang mga ito sa pulisya o militar.
Wala naman anyang masama sa kanyang plano bagkus nais lamang niyang maging patas lalo’t ang katarungan ay para sa lahat.
Gayunman, hindi natinag si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa banta at iginiit na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon sa tago umanong yaman ng Pangulo at pamilya nito.
—-