Tinutugis na ng International Police sa Amerika ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Ayon kay Manila Police District o MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel, opisyal nang tinutunton ng Interpol si Ralph Trangia at ina nitong si Rose Marie.
Tiwala si Coronel na agad matutunton ng mga awtoridad sa Amerika ang mag-ina sa oras na makansela ang pasaporte ng mga ito.
Matatandaang isang araw matapos masawi si Castillo ay agad lumipad ang mag-inang Trangia patungo sa Amerika.
—-