May posibilidad na pagbibigyan ng Korte Suprema ang hirit ni Senador Juan Ponce Enrile na makapagpiyansa sa kinakaharap nitong kasong plunder sa Sandiganbayan.
Sinasabing pagbobotohan ng mga mahistrado, bukas, araw ng Martes, ang petition for bail ni Enrile na kasalukuyang naka-hospital arrest.
Sa ulat ng pahayagang Manila Times, maging si Associate Justice Bienvenido Reyes na siyang ponente ng desisyon ay naniniwalang dapat payagang makapagpiyansa ang 90-anyos na senador dahil sa humanitarian reason.
By Jelbert Perdez