Muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Supreme Tribunal ng Apostolic Signatura si Cardinal Raymond Burke, noong Sabado, Setyembre 30, ayon sa Vatican.
Ang Apostolic Signatura ang itinuturing na Korte Suprema ng Vatican, na una nang pinamunuan ni Burke ng anim (6) na taon bago ito tanggalin ni Pope Francis noong taong 2014.
Ang 69 taong gulang na Kardinal at expert sa canon law, ay nagsilbing ‘prefect’ ng naturang Korte ng Vatican simula 2008 hanggang 2014.
Kasalukuyang naka-destino si Burke sa Order of the Kinights sa Malta.
Kabilang sa iba pang pinangalanan bilang miyembro ng naturang tribunal ay sina Cardinal Agostino Vallini at Cardinal Edoardo Menichelli, kapwa 77 taong gulang.