Nagbabala ang FDA o Food and Drug Administration kaugnay ng pagbili at paggamit ng isang device o aparato na ginagamit umano sa pagsuri sa pagkakaroon ng HIV o Human Immunodeficiency Virus.
Sa opisyal na pahayag ng FDA, sinabi nito na ang One Step Cassette Style HIV 1+2 Rapid Screen Test ay hindi rehistradong produkto at hindi rin dumaan sa evaluation process ng ahensiya.
Kaugnay nito, pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag gumamit o bumili ng nasabing medical device dahil hindi pa nasusuri ang kalidad at pagiging ligtas nito.
Ang nasabing aparato ay nabibili online at nangangako ng mabilis na resulta ng test sa HIV.