Lumutang sa MPD o Manila Police District ang isang guwardya na nakakita umano sa isang miyembro ng Aegis Juris fraternity sa tapat ng frat library nang mangyari ang hazing kay Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ayon sa pulisya, boluntaryong nagbigay ng testimonya ang guwardya na positibong kinilala ang isa sa mga frat men.
Tumanggi naman na ang pulisya na idetalye pa ang salaysay ng guwardya na hindi na rin umano humingi ng proteksyon sa kanila.
Naniniwala ang MPD na mas mapalalakas pa ng testimonya ng guwardya ang mga reklamo laban sa mga miyembro ng Aegis Juris na idinadawit sa pagkamatay ni Atio.
Samantala, inaasahan ng MPD na lulutang sa Miyerkules ang iba pang suspek sa pagsisimula ng preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ni Atio.