Nag-emergency landing ang Air France 1380 Superjumbo Jetliner sa Canada matapos makitaan ng ‘serious damage’ ang isa sa makina nito.
Ayon sa tagapagsalita ng Air France, lumapag ang Flight 066 sa Goose Bay Military Airport sa Canada na patungo sanang Los Angeles mula sa Paris.
Naging matiwasay naman ang naging emergency landing nito at walang napaulat na nasugatan sa mga pasaherong sakay nito na aabot sa kabuuang 520.
Samantala wala pang inilalabas na detalye ang Air France kaugnay insidente, ngunit ayon sa ilang mga pasahero, posible umanong pumasok ang isang ibon sa isa sa apat nitong makina na naging sanhi ng aberya.