Sumuko ang apat na miyembro ng NPA o New People’s Army sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa magkahiwalay na barangay sa Palawan nitong nakalipas na linggo.
Nagbalik loob sa pamahalaan noong ang mga rebelde na sina Jeffrey Orit Sampaca, 25-anyos at Henry Poyang Minduk, 18-anyos noong nakaraang Huwebes sa Sitio Tabud Barangay Saraza.
Ayon kay Major General Galileo Gerard Kintanar, commander ng WESCOM, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas kabilang na ang IED, ammunition, bomba at shotgun.
Sa ngayon isinasailalim na sa validation at documentation ang mga sumukong rebelde upang mapasama sa local social integration program ng lokal na pamahalaan ng palawan at mabigyan ang mga ito ng pinansyal na tulong.
—-