Binanatan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang media sa pagababalita tungkol sa kampanya kontra iligal na droga at krimen ng pulisya.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga na-relieve na pulis caloocan, sinabi ni dela rosa na tila inuudyok ng media ang publiko na magalit sa pamahalaan at pulisya.
Kinuwestiyon pa ni dela rosa ang paulit ulit aniyang pag-uungkat ng media sa kaso ng pagpatay sa mga binatilyong sina kian lloyd delos santos at carl angelo arnaiz habang hindi binibigyang pansin ang kanilang mga mabubuting nagagawa.
Dagdag pa ni dela rosa, bayani aniya ang tingin sa kanya ng chinese media nang magpunta siya sa china hindi tulad sa pilipinas na kontrabida ang kanyang imahe.
Observe lagi ‘yung [Commission on] Human Rights, bakit?
Observe lagi dahil konting pagkamali natin palalakihin ng media. Sigurado ‘yan.
Sigurado.
‘Yung kasamahan natin, ‘yung nasaksak doon sa Caloocan, nabanggit ba ‘yun ng media? Hindi diba?
Bakit? Binalik-balik ba ng ABS-CBN ‘yun? Wala diba?
Hindi pala na maganda na news ‘yun kaya hindi pinapakita.