Itinanggi ng militar at pulisya ang ibinunyag ng NPA o New People’s Army na nakakuha ito ng anim na high powered firearms mula sa dalawang military detachments sa Impasug-Ong, Bukidnon.
Kasunod na rin ito nang paglusob ng mga rebelde mula Eastern Misamis Oriental-Northeastern Bukidnon Sub Regional Command ang mga detachment na naka base sa Barangay Kilometro 30 at Barangay Hagpa sa naturang lugar.
Sinabi ni Impasug-Ong Police Station Commander Senior Inspector Sevilleno na tanging ang mga sundalo lamang ang nakipaglaban sa mga rebelde dahil mapanganib sa mga pulis ang pagbigay ng reinforcement lalo pa’t sobrang hirap ang daan patungong army detachments.
Tiniyak ng militar na kontrolado nito ang seguridad sa mga detachment sa lugar.