Muling dumulog sa Korte Suprema ang grupo ng mga kabataan para hilinging baliktarin ang naging pasya nito pabor sa lokal na pamahalaan ng Quezon City na nagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad.
Batay sa inihaing motion for reconsideration ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan o SPARK, iginiit nitong nabigyan ang high tribunal ng maling interpritasyon ng Section 4-a ng ordinansa ng lungsod.
Nakasaad sa nasabing probisyon na exempted umano ang mga menor de edad sa curfew kung binigyan sila ng permiso ng kanilang mga magulang o ng kanilang legal guardian dahil posibleng kapareho lamang ito ng probisyong “basta’t may kasamang nakatatanda“.
Dahil dito, nababahala ang SPARK na magkaroon ng problema ang mga awtoridad dahil hindi naman nakasaad sa ordinansa kung paano malalaman na pinayagan ng mga magulang o legal guardian ang isang menor de edad na mananatili sa labas ng bahay pagsapit ng curfew hours.