Umakyat na sa limampu’t siyam (59) ang patay habang mahigit limandaan (500) ang sugatan sa pamamaril sa Mandalay Bay Casino sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Kinilala ang suspek na si Stephen Paddock, 64-anyos at residente ng Mesquite, Nevada na namaril gamit ang sniper rifle.
Ayon sa Las Vegas Police, nabaril ng mga awtoridad si Paddock habang nasa 32nd floor ng Mandalay Bay kung saan siya pinaniniwalaang namaril sa mga nanunuod ng Route 91 Music Festival sa dulong bahagi ng Vegas Strip.
Kabilang sa mga nasawi ang isang miyembro ng Las Vegas Metropolitan Police na naka-off duty habang dalawa ring pulis ang nasugatan sa insidente.
Kasunod nito, tinanggal na rin bilang person of interest ang sinasabing Filipina-American roommate ni Paddock na si Mary-lou Danley, 63-anyos.
Bagama’t inalis na ng Las Vegas Police ang anggulong terorismo sa nasabing pamamaril, patuloy pa rin naman ang isinasagawa nilang imbestigasyon hinggil dito.
—-