Isinalang na sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations ang P3 g trilyong pisong pambansang budget para sa susunod na taon.
Halos mapuno ang Andaya Hall ng Kamara kung saan present sa unang araw ang mga economic managers ng Pangulong Aquino sa pangunguna ni Budget Secretary Florencio Butch Abad.
Pinangunahan ni Abad ang briefing ng Development Budget Coordination Committee sa mga mambabatas na siyang hudyat ng paghimay sa itinuturing na election budget ng mga kritiko.
Sa kaniyang opening speech, nanawagan si House Appropriations Committee Chairman at Davao Representtaive Isidro Ungab sa kaniyang mga kapwa mambabatas na makiisa sa mga gagawing debate at pag-aralang mabuti ang panukala.
Batay sa regular na hanay ng schedule ng komite, hanggang Huwebes lamang gagawin ang pagdinig, ngunit una nang sinabi ni Ungab na handa silang palawigin ito hanggang Biyernes upang mabilis na maipasa ang budget bago magbukas ang paghahain ng kandidatura para sa Eleksyon 2016.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)