Hindi pa rin nakukuha ng gobyerno ng Vietnam ang labi ng 2 Vietnamese fishermen na napatay matapos mabaril ng mga tauhan ng Philippine Navy sa Pangasinan noong nakaraang linggo.
Ayon kay Alberto Cornel Ventenilla, may-ari ng Bani Funeral Homes kung saan nakalagak ang mga labi, nananatili pa sa kanilang punerarya ang labi ng mga mangingisda na sina Phan Van Liem at Le Van Reo at naghihintay pa umano sila ng go signal kung kailan darating ang mga kamag- anak ng mga ito.
Samantala, sinibak na sa puwesto ang mga tauhan ng Philippine Navy na nakapatay sa dalawang Vietnamese fishermen matapos mapatunayang nagkasala ang mga ito.
—-