Ibinunyag ni dating Senador Jinggoy Estrada na mayroong emisaryo ng Ombudsman ang nagtangkang aregluhin siya upang mapababa ang kanyang kasong plunder.
Ayon kay Estrada, lumapit sa kanya ang nasabing emisaryo at humingi ng pera upang gawing graft na lamang ang kanyang kaso.
Tumanggi naman ang senador at sinabi sa emisaryo na ituloy na lamang ang kanyang kaso dahil malinis aniya ang kanyang konsensya at wala siyang ginagawang katiwalian.
Dahil dito, naniniwala si Estrada na mayroon talagang korapsyon sa Office of the Ombudsman gaya nang naunang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
—-