Handa na si Atty. Larry Gadon na ibunyag kung sinu-sino ang mga mahistradong tetestigo laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa isinampa niyang impeachment complaint laban dito.
Ipinabatid sa DWIZ ni Gadon na sa mga mahistradong testigo niya, hihilingin niyang maunang isalang sa impeachment trial ni Sereno si Associate Justice Francis Jardeleza na naghain aniya ng kaso laban sa Punong Mahistrado.
“Kapag binasa mo ang complaint ko, siya yung binabanggit na isa sa mga kaso doon, nag-file siya ng kaso vs. Sereno sa Supreme Court noong siya ay initsapuwera ni CJ Sereno sa listahan, sa shortlist ng JBC samantala siya ay mataas ang boto, siya ay inalis, kasi ang katwiran niya ay hindi raw maganda ang integrity niya, just because of nun inalis na niya?” Pahayag ni Gadon
(Balitang Todong Lakas Interview)