Inirekomenda ng House Ways and Means Committee ang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon sa komite ay para i-take over ang operasyon ng Bureau of Customs na binabalot ngayon ng mga kontrobersya.
Gayunman, binigyang diin ng komite na dapat matiyak na pag-aaralang mabuti ang ibibigay na emergency powers at dapat mapasama sa privatization ang ilang tanggapan ng Customs.
Ikinukunsidera ng komite ang korupsyon sa BOC bilang national emergency lalo na’t nakalusot ang mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu mula sa China.
—-