Mayroon umanong pasasabuging impormasyon ang isa sa mga inimbitahang resource person sa gagawing pagdinig ng Senate Committee on Public Information ngayong Miyerkules, Oktubre 4.
Ito’y ayon kay Committee Chairman Grace Poe, kaugnay sa paglaganap ng fake news sa social media kung saan, nabiktima pa dito ang pitong senador na binira sa isang blog ng SilentNoMore.ph.
Imbitado sa pagdinig sina Communications Assistant Secretary Mocha Uson, RJ Nieto na mas kilala bilang Thinking Pinoy at Cocoy Dayao na itinuturong nasa likod ng mapanirang blog.
Paliwanag ni Poe, tututukan nila sa imbestigasyon ang hinggil sa fake news na bagama’t malaya naman ang lahat na maghayag ng opinion, dapat maging maingat pa din tulad ng mainstream media sa paglalabas ng impormasyon.
Kasunod nito, inamin ni Poe na hirap silang maipadala ang imbitasyon kay Dayao dahil sa kinakailangan ang numero ng telepono nito.