Ikinakasa na ng mga mangingisda mula sa Pangasinan ang kanilang isasampang reklamo sa United Nations laban sa bansang China.
Ito’y makaraang makaranas ng pambubully ang mga nasabing mangingisda mula sa Chinese Coast Guard nang palayasin sila sa kanilang pinangingisdaan sa Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Atty. Harry Roque, Direktor International Legal Studies ng University of the Philippines, halos pareho lamang ang kanilang reklamo sa una nang isinampa ng mga mangingisda ng Zambales.
Taong 2012 pa nang simulan ng Chinese government ang pambubully sa mga mangingisdang namamalakaya sa nasabing bahura na kabilang sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Jaymark Dagala