Pinawi ng PNP o Philippine National Police ang pangamba ng publiko kaugnay ng paglalagay ng mga anti-drug drop boxes sa lahat ng barangay sa bansa.
Pagtitiyak ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, kanilang susuriing mabuti ang mga makukuhang impormasyon sa mga nasabing drop boxes.
Dagdag ni Dela Rosa, layunin lamang anila ay ang makakuha ng impormasyon na hindi nila agad makukuha sa ibang paraan.
Magugunitang, iniutos ng Department of Interior Local Government o DILG ang paglalagay ng mga drop boxes sa bawat barangay kung saan maaaring isumbong ang mga kilalang sangkot sa droga, krimen at kurapsyon sa isang lugar.
(Ulat ni Jonathan Andal)