Magpupulong ang security officials ng bansa kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbisita muli nito sa Marawi City.
Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na malalaman sa pulong kung aalisin na ba ang martial law sa Marawi City, sa sandaling matapos na ang bakbakan dito.
Tanging ang Pangulong Duterte pa rin aniya ang pangunahing magsasagawa ng assessment sa tunay na sitwasyon sa Marawi City.
Samantala, sa huling tala ng militar, umaabot na sa 955 ang mga napapatay sa 134 na araw ng bakbakan sa Marawi.
753 dito mga terorista, 155 ang tropa ng gobyerno habang 47 ang mga nasawing sibilyan.