Nailigtas ng mga otoridad ang 17 pang bihag ng grupong Maute sa Marawi City.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kabilang sa mga na-rescue ang siyam (9) na lalaki at walong (8) babae na nasa labing walo (18) hanggang pitumpu’t limang (75) taong gulang.
Tumanggi pang magbigay ng dagdag na detalye si Lorenzana kung paano at kailan nailigtas ang mga nasabing hostage.
Gayunman, tinatayang dalawampu (20) pang bihag ang hawak pa ng Maute group.