Inaprubahan na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hirit na bagong sistema ng pasahe ng mga grupo ng drayber at operators ng taxi.
Batay sa ipinalabas na memorandum ng LTFRB, papatak na sa P40.00 ang flag down rate matapos aprubahan ang hirit na P10.00 omento ng mga taxi na bumabiyahe sa buong bansa maliban sa CAR o Cordillera Administrative Region.
P5.00 omento naman ang inaprubahan ng LTFRB sa CAR o katumbas ng P30.00 flag down fare.
Aprubado na rin ang karagdagang bayad na P13.50 kada kilometro sa distance travelled o itinakbo ng taxi at P2.00 na dagdag singil kada isang minuto sa travel time o tagal ng ibinayahe mula sa pinanggalingan hanggang sa destinasyon.
Ang bagong taxi fare system ay magiging epektibo matapos mailathala sa mga pahayan.