Tuluyan nang sinuspinde ng pambansang pulisya ang pagpapatupad nito ng nationwide gun ban kaugnay sa Barangay at SK Elections.
Ito’y ayon sa PNP makaraang kumpirmahin mismo ng Malacañang na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa nasabing halalan.
Ayon kay Supt. Vimelle Madrid, deputy spokesperson ng PNP, umabot sa 52 ang mga naaresto habang 47 armas ang kanilang nakumpiska sa apat na araw na gun ban.
Kasunod nito, paglilinaw ni Madrid na hindi pa rin lusot sa kaso ang mga naaresto kahit pa binawi na ang gun ban dahil tuloy pa rin naman ang mga ipinatutupad nilang checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa.