Tila lumamig na ang sitwasyon sa pagitan nila Presidential Communications Office o PCO Assistant Secretary Mocha Uson at Senador Antonio Trillanes IV makaraang sampahan ito ng kaso dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita.
Ito’y makaraang lapitan ni Uson si Trillanes habang naka-break ang pagdinig ng Senate Committee on Public Information hinggil sa fake news kahapon.
Magugunitang kinasuhan ni Trillanes si Uson at ang brodkaster na si Erwin Tulfo dahil sa pagbibigay ng mga pekeng dokumento kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kaniyang mga umano’y offshore accounts.
Ayon sa ilang nakasaksi, nagpakuha ng larawan si Uson sa senador sabay papuri kay Trillanes na “ang guwapo mo pala senator sa personal, hindi fake news yan”.
Sinagot naman ni Trillanes si Uson na konting pambobola pa at baka iurong na niya ang reklamong inihain nito laban sa kaniya.
(Ulat ni Cely Ortega-Bueno)