Sinupalpal ni dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang blogger at Department of Foreign Affairs Social Media consulant na si Rey Joseph o RJ Nieto na mas kilala bilang Thinking Pinoy.
Kaugnay ito sa Facebook Post at political blog ni Nieto na hashtag “Nasaan ang Pangulo” na nag-trend sa kasagsagan ng Mamasapano Incident, noong 2015.
Inakusahan ni Nieto si dating Interior Secretary Mar Roxas na nagbayad sa isang blogger upang mag-trend ang post upang sirain ang nakaraang Aquino Administration sa issue ng Mamasapano Incident.
Gayunman, nairita si Lacierda kay Nieto at iginiit na pawang kasinungalingan ang mga bintang nito.
Naghugas kamay naman si Nieto sa pagtatanong ni Senador Tito Sotto sa halip ay itinuro ang isang Joyce Ramirez na nagpakalat umano ng mapanirang Facebook post.