Paminsan-minsang mga pag-ulan ang mararanasan sa rehiyon ng Ilocos at mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Bataan at Zambales dahil sa habagat.
Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat pagkulog ang inaasahan sa Metro Manila, silangang Kabisayaan at natitirang bahagi ng Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Mindanao at nalalabing bahagi ng Kabisayaan.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon at Kabisayaan at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-silangan hanggang timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
By Mariboy Ysibido