Ginisa ng mga Senador sa hearing ng Committee on Public Information and Mass Media ang Pro-Duterte Blogger na si Rey Joseph o RJ Nieto na mas kilala bilang “Thinking Pinoy.”
Ito’y makaraang i-post ni Nieto sa social media ang kanyang larawan kasama ang isang kaibigan na mistulang nagsasaya habang nasa tapat ng pintuan ng tanggapan ng nakapiit na si Senador Leila de Lima.
Dahil dito, nagkasagutan sina Senator Antonio Trillanes at Nieto makaraang tumanggi itong humingi ng despensa sa kampo ng nakakulong na Senador.
Samantala, handa naman si Nieto na magbitiw bilang head ng Strategic Communications ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs kung may mali sa kanyang ginagawa.